
first ever picture..sensya na di pa ako marunong magmake up niyan :p
Naalala ko pa nung 2005, yun yung taong una kami nagkakilala ni Jojo a.k.a. Lakwatsero. Patay na patay siya sa akin nun, sabi pa nga niya "Sige na kahit fling lang, pumayag ka na?" hahaha desperate much? eh ang haba ng hair ko kaya pumayag na rin ako. Ayaw pa nga sa kanya ni mama nung una kasi masyado raw maingay (baka bading?) pati jobless pa kasi siya nun at palaboy-laboy lang. San ko naman daw napulot yun? Natatawa na lang ako pag naaalala ko yun.
Si Jojo ang exact opposite ko..as in extremes kami. Kung siya Mr. Congeniality at malamang mananalo ng Mr. Friendship award pag sumali siya sa mga Pacontest eh ako naman ata ang pinakatahimik at mahinhin..chos..hahah basta opposite lang nun. Lagi rin kami nagcclash sa mga opinyon..pero minsan sinasadya ko na kasi gusto ko lang ng away. Malamang madami na naiinis sa akin kasi baket daw ang bait niya tapos ako hindi? Oh well inggit lang sila :p
Siya ang aking boypren and bespren in one...Saka unan na rin kasi ang lambot.
Kahit malayo kami eh parang malapit na rin..(sa ibang post na lang yung tungkol dito. ;) )
Magkasama sa saya, sa lungkot at sa pagtaba..
6 years ago sabi namin "Try lang" pero hanggang ngayon kami pa rin at lalo pang tumatatag :)
Try lang ng try? Hehe.
Happy 6th Anniversary Pie! I love you!
1 comment:
Bukas pa anniv! pero I love you!
Post a Comment