Naku di ko maalala kung baket yan yung title ng post na 'to..?ah..tungkol nga pala sa akin 'to
Haay napansin ko lang madalas na ako nagiging makakalimutin ngayon. Tipong kagagawa ko lang ng isang bagay eh maya maya nakalimutan ko na.
Exhibit A: nangyari eto sa work. kabubukas ko lang ng pinto tapos after 2 minutes lang eh hiniram ko na naman yung susi sa boss ko. Nagtaka siya kasi alam niya na nabuksan ko na. Take note: lola na ang boss ko. As in matanda na. Natawa lang ako pero siyempre weirded out din.
Exhibit B: Nagshopping si Ma. kinuha ko na yung paper bag nun at hawak ko na. Sabay hinanap ko yung paper bag. Hindi ako nagbibiro. Ganun ka-grabe. Katakot na nga minsan.
Marami pang ibang pagkakataon na madali ako makalimot- sa sasabihin, sa gagawin etc.
Hindi ko alam kung namamana ba yung Alzheimer kasi meron nun si Lola (God bless her soul). Wag naman sana. Lord, 25 years old pa lang ako. Madami pa ako gustong maalala sa buhay ko. Or pwedeng side effect ng gamot na iniinom ko? pati yung huling vaccine ko eh gusto ko na rin sisihin. Baka kelangan ko na lumaklak ng Memo Plus o kahit anong memory enhancer meds dyan.
Hay sabi ko na nga ba, nakalimutan ko na naman password ko dito. leche naman. :/
No comments:
Post a Comment