Halos isang taon na simula ng magkaroon ako ng Chronic Urticaria. Ayon sa Medscape Reference ang chronic urticaria raw ay "defined as urticaria that persists for longer than 6 weeks, is a frustrating condition for both patients and caregivers. Urticaria is not a single disease but a reaction pattern that represents cutaneous mast cell degranulation, resulting in extravasation of plasma into the dermis. Urticaria is characterized by hives or wheals, which are edematous pruritic papules or plaques. The variety of potential triggers of urticaria, especially for acute urticaria, can make the approach to diagnosis and treatment a challenge. Patients with chronic urticaria may not improve or may depend on medication for years to relieve symptoms." (Source: http://emedicine.medscape.com/article/1050052-overview)
Unang paragraph pa lang nosebleed na ako. In short, pinapantal ako sa di malamang kadahilanan. July last year ng magsimula ako pantalin. Maliliit lang nung una na mukhang kagat ng lamok. Sabay lumevel up at naging malalaking pantal. Imagine-in niyo na lang or igoogle niyo yung photos. Sasabihin niyo "pantal lang yan" o kaya "wala yan". Pero naku isang taon ka kaya pantalin ng walang humpay?
Pumunta na ako sa mga espesyalista..naka-ilang check up na nga ako. Napilitan pa na magallergy test sa halagang 4k plus 1k na consultation fee..pero wala namang nangyari. Hindi naman nawala yung pantal ko. Sabi nila lagi allergy daw. Uhmm hindi naman ako kumakain pero inaallergy pa rin ako? kahit bagong gising ako eh bigla na lang ako papantalin?
Nagsasaliksik ako ng impormasyon ukol dito. Sa kasamaang palad, wala pa talagang gamot na tuluyang magpapatanggal sa sakit na 'to. Wala ring direktang paliwanag kung ano ang maaaring sanhi nito. Siguro minalas lang ako at hindi maganda ang pinagsamang DNA ng mga magulang ko. Maaaring mawala siya bigla o maaari ring habang buhay ng ganun. Ayoko sana magisip ng negative pero open na rin ako sa possibility na matagal kong dadalhin 'to. May mga gamot naman na pangrelieve ng symptoms. Ayun na nga "relieve" lang...mga ilang oras lang balik na uli ang mga kaibigan kong pantal. Ok lang sana kung pantal na lang eh, kaso ang kati-kati pa nila. Ayoko sana uminom ng gamot araw-araw kaso madalas nakakahiya lalo na pag lumalabas. Ala namang magkamot ako in public places?
Hindi ko alam kung may mga ibang Pinoy ba na meron nito..meron naman siguro. Wala lang grupo na tulad ng sa ibang bansa (International Chronic Urticaria Society). Sana lang meron ako makilalang espesyalista na talagang makakapagpaliwanag sa akin tungkol dito. Karamihan kasi eh pera lang ang habol sa pasyente. Kung anu-ano ipapagawang tests or worse, bebentahan ka ng tinda niyang sabon. Arrgh.
Pero siguro blessed pa rin ako kasi hindi naman siya nakamamatay. Yun nga lang pupuwedeng panghabambuhay. Iniisip ko na lang na kasama 'to sa mga pagsubok ko sa buhay at kayang kaya ko 'to lampasan.