Wednesday, June 15, 2005

tuwing umuulan at kapiling siya...

Dapat nung Friday ko pa ipopost ito kaso di ako nakapaginternet..bad trip…Pie, para ito sa iyo…

maulan kahapon.ewan ko nga ba kung bakit naisipan ko pang mag-sandals na medyo mataas pa. gusto ko kasi maging presentable para sa kanya…Yes! Magkikita kami! Pagkatapos ng isang lingo, sa wakes ay magkikita na kami. Sobrang excited ko dahil miss na miss ko na siya.

May class ako ng 8:30-10. socio101. ang bata pa ng prof namin tapos ang ganda pa niya. Sabi niya ok lang daw kahit tawagin namin siyaby her name..pero dib a ang awkward naman? Kaso ang awkward din kung ma’am kasi halos ka-edad lang namin siya. Maaga rin natapos yung socio. Mga past 9 pa lang ay tapos na ang class. Usapan namin ni fejie na magkikita kami ng between 10-11. kaya todo kill time ako. Nagresearch at nagbasa-basa na lang ako sa library. Wala akong class ng 10-11:30 kaya sobrang haba ng break ko. 2:30 pa kasi yung next class…ang haba noh?

Anyway, nakita ko sina drea at drei sa library kaya yun,ginulo ko sila habang naghihintay ako kay fej. Binalita sa akin ni drea na may boyfriend na yung isa naming kabarkada. Ang happy kasi lahat na kami ay happy ang love life. Nawa’y tuloy-tuloy nay un. At dumating na ang oras na pinakahihintay ko…

Nasa baba na siya, naghihintay sa akin. Buti na lang at aalis na rin sina drea. May kasabay na ako pagbaba. Sumama rin si daisy sa amin. Tamang-tama, makikita na rin ni daisy si fej. Siya na lang kasi ang di nakakakilala kay fej. Dun pa lang sa 3rd floor ay nasilayan ko na siya. Bagong gupit kaya ang guapo na naman niya – lalo pa siya naging guapo sa paningin ko. Gusto ko na nga tumakbo pababa sa sobrang excitement ko. Nainip na rin siya dahil dumaan pa kami sa c.r. pagdating ko sa baba, di ko na napigilang tumakbo patungo sa kanya. Kugn di lang nakakahiya ay baka kung ano na nagawa ko. Miss na miss ko na kasi siya. Medyo lumakas ang ulan at nagstay muna kami sa may shed. Malamig nung oras na yun at akap ko si fej. Kaya gustong-gusto ko tuwing umuulan – ang romantic. Hindi pa ata titila ang ulan kaya tumawid na rin kami. Sobrang pagsisisi ko sa pagsusuot ng sandals. Naalala ko na sira nga pala yun. Baka pag nabasa ay masira na. laking pasasalamat ko at hindi naman nasira ang sandals ko. Pampalubag-loob ko na rin nang makita ko na sira rin pala ang sapatos ni fej..hehehe…noon na lang uli ako nagtampisaw sa ulanpaiwas-iwas sa mga putik dahil nakasandals ako. Buti na lang ok lang kay fej yun. Di namin alam kung san kami pwede tumambay habang naghihintay sa next class ko kaya nagpunta na lang kami sa sm. Kumain kami sa jollibee. Pagkatapos nun ay bumalik na rin kami sa up. Hinintay niya ako hanggang matapos class ko.

Hinatid niya ako pauwi. Sobrang kulit niya talaga. Lagi niya ako pinapatawa. Wala na talaga ako mahihiling pa. sabi niya hinding-hindi niya ako iiwan. Mahal na mahal ko talaga siya. Di rin siya nagtagal pagkahatid sa akin kasi birthday ng mama niya.kailangan niya umuwi agad. Nagkulitan lang kami sa bahay. Mahilig kasi kami manggaya ng mga eksena sa pelikula at nakakatawa talaga. Kahapon naman ay nagsayaw kami ng el bimbo. Ang kulit namin. Sobrang saya ko talaga sa piling niya.

Grabe, wala pang 6 hours kami magkasama pero ang daming nangyayari tuwing magkasama kami. Araw-araw na lang ay may bago kaming nalalaman sa isa’t isa. Ngayon ko lang talaga naramdaman ang tunay na pagmamahal. Ang saya at sarap pala.

1 comment:

Anonymous said...

ei bhe, kaw ha nilalait mo din pala sapatos ko :P next time turuan naman kita ng "first day funk" bwahehehe. I love you so much!!!!

Fejie Pie