Monday, June 06, 2005

chao fan

pasensya na at naghiram ako ng ilang mga linya sa isang magandang awitin..

i've finally found someone who knocks me off of my feet...

actually nang una ko siyang nakita, di ako na-love at first sight..sa totoo lang natakot ako kasi ang tangkad niya,sabihin na nating hindi ako sanay na nakatingala ako sa kausap ko...pero mukhang mabait kaya pinagtyagaan ko na rin..at hindi ko pinagsisihan yun...

i've finally found the one who makes me feel complete...

ngayon lang ako nakakilala ng taong talagang mahal ako ng buong buo at tinanggap ang buong pagkatao ko..kahit ang sama ko na, di siya bumibitaw...di ko na nga maimagine na mawawala siya sa buhay ko,hindi ko kayang isipin...

it started over coffee...

technically,it started over Chao Fan sa chowking when i cracked a joke and he laughed at my weirdness..sabi niya baka raw ginayuma ko siya nun but i think di ko na siya kailangan pang gayumahin...need i say more?

we started out as friends

yupz,friends kami nito (pero ngayon we're a couple na) as in super close...he's like my best friend,we can talk about anything without any inhibitions whatsoever...i love talking with him about things,di ko na iisa-isahin pa...

It's funny how from simple things The best things begin

di na kailangan pang iexplain ito...simula nang kumain kami ng chao fan ay naging close na kami...at simula nun ay naging sobrang saya ko...:)

No comments: